Posts Tagged “Bob Ong”

322-343. Mga kasabihan ni Bob Ong Pangalawang Yugto

Eto na naman po ang mga popular na kasabihan ni Bob Ong galing sa kanyang mga libro. Natuwa kami ng mga ka-opisina ko sa numero 329. Mali man o hindi yun ay mag-iisip ka at matutuwa ka (natuwa ako eh! Haha…) Yung iba malulupit din. Basahin niyo na lang, namnamin, at higit sa lahat sana ay may matutunan kayo.

322.

“Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!   Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.   At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.   Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.”

323.

“Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.
Imbis na magtanong ka ng “Hindi pa ba sapat?” Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.
Wag kang magpadala sa salitang “sorry” at “ayokong mawala ka”
kung totoo yun,patunayan nya.”

324.
“Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka.
Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka.”

325.

pag pinag dugtong daw ang tenga ng tao.. korteng PUSO.
kaya sabi ni Pareng Bob.. Kung hindi ka marunong makinig..
hindi ka din marunong mag mahal..

326.

“Ano namang mapapala mo sa kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka naman cgurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang Emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang, choice mo yan.”

327.

“Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba? “

328.
Kung hindi mo mahal and isang tao,
wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

329.

“Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.. kasi, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una. “

330.

“hindi biro ang pagbabasa, rite of passage to, pag natuto ka ibig sabihin nabinyagan ka bilang ‘literate’. kaya mong magbasa ng mga kasinungalingan sa dyaryo, ng mga subtitles sa mga foreign movies at mag vandalism sa upuan ng bus”

331.

“sabi nila kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa yo - ang sarili mo…. kaya siguro namigay ng konsensya ang dyos, alam nyang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao”

332.

“minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka…. ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi”

333.

“paghahangad ng diploma - ritual yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para makapagtrabaho ka at kumita nang disente. at oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao”

334.
“parang ‘times up’ ang reunion, ‘pass your papers, finished or not’. oras na para husgahan kung naging sino ka o kung naging magkano ka”

335.

“kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang-araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay na mangmang. nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records nya, mas madami pa syang magagawa kesa sa nakalista sa resume nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo”

336.

“habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo at mauubos ang oras”

337.

“marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. maraming teachers sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo”

338.

“ang liit at laki ay nasa isip lang. nasa pagsisikap lang yan”

339.

“walang mangyayari sa buhay mo hanggat hindi ka tumitigil sa paninisi sa iba sa naging kapalaran mo”

340.

“pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

341.

“paggawa na ba ng kabutihan ang hindi paggawa ng kasamaan?”

342.

“ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon - anim, sampu, dalawampu…. pero ang impluwensya daang taon”

343.

“handa ka bang magtanim ng batas sa gubat? kaya mo bang ipag utos sa mga hayop ang respeto? desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya? gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay - sa gubat?”

Nabitin ka ba? Marami pa. Hintayin mo lang i-blog ko dito yung mga kasabihan ni Bob Ong na galing sa cell phone ko (pasensya na hindi ko alam Tagalog ng blog at cell phone). Ulit-ulitin mo munang basahin yan at yung nauna kong pinoste (Bob Ong Quotes). At huwag mong kalimutan ang mga aral na gustong iparating ni Bob Ong sa atin. =)

Comments No Comments »

273. Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? ni Bob Ong

Bago ko umpisahan ang “blog” na ito, nais ko munang humingi ng paumanhin kay Bob Ong (kahit hindi naman nya siguro binabasa ito) at sa mga bumasa ng nauna kong isinulat na “blog” (pasensya na, hindi ko mai-Tagalog itong salita na ito eh) tungkol sa mga “sipi” ni Bob Ong.

Dalawang dahilan kung bakit gusto kong humingi ng paumanhin. Una, gumamit ako ng salitang banyaga para sa aking paunang salita sa nauna kong “blog.” Pangalawa, sinulat ko doon na hindi ko masyadong gusto yung mga libro niya.

Kagabi, nakita ko na nakalapag lang yung isa sa kaniyang libro na hiniram ko, yung “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?,” at naisipan kong tapusing basahin ito. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang binabasa ko ito. Galit, dahil parang ibinababa ni Bob Ong ang pagiging Pilipino natin. Tuwa, dahil nakikita ko ang sarili ko sa mga isinulat niya, maganda man o hindi. Pero ang pinaka-nagibabaw na emosyon sa akin ay ang pagkakaroon ng pag-asa. Na gaano man kasama o kababa ang Pilipinas at mga Pilipino, mayroon pa ring pag-asa. Pero sa huling parte ng libro ni Bob Ong, sinulat nya na hindi lang dapat puro pag-asa ang maramdaman natin. Kailangan nating kumilos. Hindi naman kailangan ng marahas na pag-kilos. Sa simpleng paraan gaya ng pagtatapon ng balat ng kendi sa basurahan. Iyon ay sapat na. Mga ganung bagay ba?

Nagkamali ako ng sinabi kong hindi ko gaanong gusto ang libro niya. Gusto ko siya. Nagakataon lang na may mga bagay doon na hindi ko masikmurang tanggapin ngunit ito ay totoo. Gusto lang niyang iparating ang katotohanan. Na ayaw kong tanggapin.

Maraming salamat sa iyo Bob Ong, at sa libro mong “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?”

Ang tanong ko sa iyo ngayon (oo, ikaw na nagbabasa nito), kailan ka ba kikilos?

Comments No Comments »

241-272. Bob Ong Quotes

I started reading three of Bob Ong’s books (thanks to my friend Aubrey for lending it to me) and though I really didn’t like his books that much, there’s still some wisdom in his books behind the satire. Even though I don’t like his books that much, I still like the Bob Ong quotes text messages that I am receiving. If you’re not receiving those messages, what’s wrong with your cell phone? Hehe…

If you don’t have an idea what this Bob Ong quotes are, below are some of it:

“Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba. ”

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”


“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.”

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

“nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

“ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko “

“hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.”

“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”

“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”

“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”

“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”"

“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

“…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”

“hikayAtin m0 LahAt ng kakilala m0 na mAgkaro0n kahit isA man lang paboritong libro sa bu0ng buhay nilA..dahil walA ng mas nakakaawa pa sa mga ta0ng literado per0 hindi nagbabAsa “

“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang luri. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

“iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

If you liked those quotes, you might as well read his book. Who knows? You might like it better. =)

Comments 1 Comment »